Executive clemency para kay Mary Jane Veloso, hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa Indonesia

88

Naghain na nang executive clemency si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para kay Mary Jane Veloso.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inihain ito nitong September 4 kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi ito ay may kaugnayan sa ginawang tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay Indonesian President Joko Widodo.

Ihahain daw o isasangguni ni Marsudi ang hiling na executive clemency ni Manalo sa Ministry of Justice.


Si Mary Jane Veloso na nakalinya sa parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking matapos makuhaan ng heroin 12 taon na ang nakakalipas.

Tuloy ang monitoring ng embahada sa Indonesia kay Mary Jane Veloso na ngayon ay nasa mabuting kalagayan sa Women’s Penitentiary Jakarta.

Kinuhaan rin siya ng abogado na naayon sa batas ng Indonesia.



Facebook Comments