Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PWD Officer Jonathan Galutera, mula nang umpisahan ang pamamahagi ng Card type PWD ID mula sa dating paper type ID, nasa halos isang daan pa lamang ang kanilang nabigyan ng Card Type mula sa kanilang target na 2,800.
Kaugnay nito, muling nananawagan ang pamunuan ng PWD Cauayan sa mga may kapansanan na hindi pa nakakakuha ng bagong ID na i-secure na dahil ito na ang kinikilalang ID ng mga PWD.
Inaayos na rin ang schedule ng mga kawani ng PWD Cauayan para sa pagpunta sa mga barangay para sila na mismo ang lalapit at mag-aabot ng Card type ID sa mga miyembro.
Inihahanda na rin ang request letter kay City Mayor Jaycee Dy Jr. para magbaba ng Memorandum Order na tanging ang Card Type PWD ID lamang ang kikilalanin sa kanilang pakikipag transaksyon.
Nilinaw ni Galutera na bago ibaba ang Memo ay dapat nabigyan na ng card type ang lahat ng PWD sa Lungsod.
Umaasa naman si Galutera na bago sana matapos ang taong 2022 ay napalitan at naibigay na ang bagong ID ng mga kapwa PWD.
Paliwanag naman ni Galutera sa mababang bilang ng mga nabigyan ng Card type ID ay posibleng nagtitipid sa pamasahe ang mga PWD o di kaya’y hindi pa maasikaso na magtungo sa kanilang tanggapan.