𝐏𝐍𝐏 𝐈𝐒𝐀𝐁𝐄𝐋𝐀, 𝐍𝐀𝐒𝐔𝐍𝐆𝐊𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐉𝐎𝐑 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒

Nasungkit ng Isabela PNP ang limang major awards para sa Best Implementer on Community and Service-Oriented Policing (CSOP) Company and Best WCPD sa katatapos lang na culminating ceremonies ng 28th National Crime Prevention Week.

Ginanap ang Culminating Ceremonies ng 28th National Crime Prevention Week sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan kaninang umaga, Setyembre 5, 2022.

Tinanghal ang 1st Isabela Provincial Mobile Force Company na kampeon sa Best Community Service Policing Implementer sa Mobile Force Category City habang kampeon din ang Ilagan City Police Station sa City Level Category habang first runner up naman ang Roxas Police Station sa Municipal Level Category sa kaparehong parangal.

Naiuwi din ng Ilagan City Police Station ang 1st runner up award para sa Best Women and Children Protection Desk sa City Level habang 2nd runner up naman ang Echague Police Station para sa Municipal Level.

Samantala, binati naman ni Provincial Director PCOL Julio Go ang mga awardees para sa kanilang pagsisikap at kontribusyon para sa tagumpay ng Isabela Police Provincial Office.

Facebook Comments