Cauayan City, Isabela- Bilang tugon sa โonline classโ na bahagi ng new normal namigay ng libreng anti-radiation eyeglass ang isang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Sta. Catalina, City of Ilagan, Isabela.
Kasabay ito ng kanyang inilunsad na ๐๐๐๐ ๐๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฝ๐๐ na may temang โ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ป๐จ๐บ ๐ต๐จ ๐ท๐จ๐ต๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฐ๐ต: ๐ณ๐จ๐ฉ๐จ๐ต ๐บ๐จ ๐น๐จ๐ซ๐ฐ๐จ๐ป๐ฐ๐ถ๐ต, ๐ฒ๐จ๐บ๐จ๐ต๐ฎ๐ฎ๐จ ๐บ๐จ ๐ด๐จ๐ฒ๐จ๐ฉ๐จ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ ๐ฌ๐ซ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ๐๐ถ๐ตโ
Ayon kay SK Chairman Melvin Pacursa Adurable, posibleng makaapekto ang sobrang pagtutok ng mga mag-aaral sa kani-kanilang gadget kung kayaโt naisipan nito na magkaroon ng paraan para maalagaan pa rin ang paningin ng mga estudyante.
Layunin ng #๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐๐ฉ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฃ๐ผ๐๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ ay ang mapanatili pa rin ang kalusugan ng mga mata ng mag-aaral upang higit nilang matutukan ang kanilang aralin ngayong isang paraan ito ng Department of Education (DepED) para sa mode of class.
Umabot naman sa 70 mag-aaral mula Senior High School at Kolehiyo ang nabiyayaan ng libreng salamin.
Lubos naman ang pasasalamat ni Adurable sa kanyang kapwa miyembro ng Sangguniang Kabataan maging ang ilang boluntaryong tumulong para matupad ang proyektong nagbigay ngiti sa mga mag-aaral gaya ng magkapatid na sina Marris Guitering na isang Nurse at Donna Guitering na isang IT Consultant, mga taong nasa likod ng libreng pamimigay ng salamin.