Kinilala ang mga suspek na sina Nicanor John Mata Jr, may ari ng tsungkihan, 19-taong gulang, estudyante, residente ng Tuguegarao City, Cagayan; Romnel De Leon, 21-taong gulang, estudyante, at residente ng Carig Sur; Julie Ann Ramil, 22-taong gulang, walang trabaho at residente naman ng Caritan Highway, Tuguegarao City, Cagayan.
Ang tatlo ay pawang nakategoryang Hight Value Target (HVT) ng pulisya.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng ng marijuana, isang piraso ng white folded paper ng naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang tubo na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng itim na trash bag at brown packaging tape na may bigat na 200 grams na nagkakahalaga ng Php24,000; iba’t ibang drug paraphernalias at boodle money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.
Ang anti-drug operation ay matagumpay na isinagawa ng PDEA RO II Cagayan Provincial Office, RDEU at CDEU, Tuguegarao City Police Station.