𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟮𝟲𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗥𝗠𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Arestado ang 38 anyos na lalaki, tinukoy bilang bagong drug personality sa bayan ng Umingan matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa bisa ng search warrant.

Nakumpiska sa mismong bahay ng suspek kinilala bilang si Jonathan Palado siyam na pakete ng hinihinalang shabu tumitimbang ng 3.8 grams at nagkakahalaga ng P25, 840 at 21 piraso ng live ammunition.

Nasa pagmamay-ari naman ng kapatid nito na si Erwin Palado ang 1.9 grams ng marijuana.

Parehong nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments