Umabot sa 571 na alagang aso’t pusa sa bayan ng Asingan ang nabahagian ng serbisyong medikal hatid ng Provincial Veterinary Office.
Ipinaabot ng Officer-in-charge ar Provincial Veterinarian na si Arcelyn Robeniol ang layunin ng medical mission na tumaas ang kaalaman ng mga pet owners ukol sa responsableng pag-aalaga maging maibigay ng libre ang mga dekalidad na serbisyo sa mga alagang hayop.
Ilan sa mga serbisyong hatid ay libreng konsultasyon, deworming, anti-rabies vaccination, castration at vitamin supplementation.
Ipinahayag ni Robeniol na mula Enero ay nasa mahigit 7,000 na alagang aso at pusa ang natulungan ng Veterinary medical mission na patuloy na isinasagawa ng tanggapan.
Kaugnay nito, nauna nang inilabas ng Provincial Veterinary Office ang listahan at iskedyul ng mga bayan na dadayuhin ng tanggapan upang ipaabot ang medical mission ngayong buwan ng Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨