π—›π—œπ—šπ—œπ—§ 𝗣𝗛𝗣 πŸ­πŸ¬πŸ¬π—ž π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—›π—œπ—‘π—œπ—›π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗑𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Tinatayang nasa PHP 108, 800 ang halaga ng hinihinalang shabu na nasabat ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Mayombo, Dagupan City.

Kinilala ang suspek na si Richmund Dela Cruz alyas β€˜Mon’, 33 anyos residente ng Brgy. Bacayao Norte sa nasabing lungsod.

Nasa limang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska kung saan dalawa dito ay kanyang naibenta. Tumitinbang ng nasa 16 grams ang kabuuang bigat ng nasabat na ilegal na droga. Kabilang din sa nakumpiska rito ay ang 16 piraso ng photocopied 1000 peso-bill bilang boodle money.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Dagupan City Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso na haharapin nito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments