𝗔𝗜𝗥𝗕𝗨𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗜𝗥𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚

Cauayan City – Maswerteng nakaligtas ang mga crew ng Airbus C295-R217 matapos matanggal ang gulong nito noong mag-emergency landing sa Basco Airport sa Batanes noong November 1, 2024.

Ayon sa ulat, maghahatid sana ng relief goods ang naturang aircraft para sa mga nasalanta ng bagyo sa nabanggit na lalawigan.

Noong maglanding ang nabanggit na aircraft, nadulas ito sa runway at natanggal ang nose landing gear nito bago tuluyang huminto.


Kaagad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay na nangyaring insidente.

Samantala, balik operasyon na rin ngayon ang Basco Airport matapos matanggal ang sumadsad na aircraft sa runway ng paliparan.

Facebook Comments