π—”π—Ÿπ—Ÿπ—œπ—”π—‘π—–π—˜ 𝗒𝗙 π—–π—’π—‘π—–π—˜π—₯π—‘π—˜π—— π—§π—˜π—”π—–π—›π—˜π—₯𝗦 𝗣𝗔π—₯π—§π—¬π—Ÿπ—œπ—¦π—§ π—¦π—”π—‘π—š-𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—£π—Ÿπ—”π—‘π—’ π—‘π—š π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– 𝗑𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—ͺ𝗔𝗦 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š 𝗣𝗔π—₯π—§π—¬π—Ÿπ—œπ—¦π—§ 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗑𝗒𝗗 𝗑𝗔 π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘

Sinang-ayunan ng Alliance of Concerned Teachers Partylist ang naunang pahayag ng Comelec na pagbabawas ng bilang ng mga Partylist na sasabak sa paparating na 2025 midterm elections.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay ACT Partylist Representative France Castro, matagal na umano nilang hinihiling sa COMELEC ang nasabing hakbang dahil hindi naman lahat ng mga Partylist ay kumakatawan sa mga marginalized sectors.

Maging mga representative ng mga ibang Partylist, aniya, ay hindi din o kaya naman ay walang kinalaman sa Partylist na kinakatawan nila.

Samantala, kinontra naman ni Castro ang plano ng COMELEC na hindi na papayang sumabak ang mga Partylist na natalo ng dalawang sunod na election. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments