𝗥𝟭𝗔𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔; 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗧𝗟𝗘𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞

Pormal nang nag-umpisa ang Region 1 Athletic Association Meet o R1AA, noong isang araw, April 22 sa lalawigan ng Ilocos Norte, kung saan lumahok ang nasa labing-apat na libong atletang delegado mula sa labing-apat na sporting divisions sa rehiyon uno.

Pagtatalunan sa nasabing kaganapan ang iba’t ibang ball games, athletics, swimming, at marami pang iba.

Sa unang araw ng pagdating ng mga delegado, isinagawa ang evacuation drill sa mga buildings na kanilang tutuluyan pang masiguro ang kahandaan kung sakaling may hindi inaasahang sakuna ang dumating. Samantala, sa kabila ng mainit na panahon, nakaantabay naman ang mga rescue teams.

Gayunpaman, libo-libong delegadong atleta mula sa Pangasinan ang inaasahang magpapasiklab sa R1AA, na siya namang sinusuportahan ng iba’t ibang division sa lalawigan. Magtatagal naman ang nasabing sporting event hanggang ika-27 ng Abril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments