𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔!

Cauayan City – Kasalukuyan ng inihahanda ng mga awtoridad ang kasong Parricide na isasampa laban sa isang amang pumaslang sa kanyang sariling anak kamakailan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa ulat, naaresto ang suspek sa Caranglan, Nueva Ecija, nito lamang ika-25 ng Hulyo kung saan boluntaryo itong isinuko ng kanyang kapatid sa mga miyembro ng Caranglan Police Station.

Bago pa man ang pagkakaaresto ng suspek, sinabi ng tagapagsalita ng Tuguegarao Component Police Station na si Police Captain Rose Marie Taguiam na matapos ang insidente ay kaagad silang nagsagawa ng hot pursuit operation, at nakipag-ugnayan sa mga police stations ng lugar na posibleng pinuntahan ng suspek.


Sinabi rin ng Hepe ng Caranglan PS na si PMAJ Alexander Pranada na matapos ang koordinasyon sa Tuguegarao City PS, kaagad silang nagtungo sa lugar na kinaroonan ng suspek na nagresulta nga sa tagumpay na pagkakadakip nito.

Samantala, aminado naman ang suspek na una silang nagkaroon ng pagtatalo sa cellphone ng kanyang asawang nasa Taiwan, at di kalaunan ay napagbuntunan nito ng kanyang galit ang anak na nauwi nga sa pananaksak.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Tuguegarao Component City PS ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments