
Cauayan City – Muling inaresto ng pulisya ng Norway si Marius Borg Hoiby, 29, anak ng Crown Princess Mette-Marit, habang naghahanda siyang humarap sa paglilitis sa Oslo kaugnay ng 38 kaso, kabilang ang umanoβy panggagahasa sa apat na babae.
Ipinag-utos ng korte ang apat na linggong detensyon matapos sabihin ng awtoridad na may panganib ng muling paglabag sa batas.
Ayon sa pulisya, kasama sa pinakabagong alegasyon ang paggamit ng kutsilyo at paglabag sa restraining order. Ito na ang ikaapat na beses na na-detain si HΓΈiby mula August 2024.
Bagamaβt itinanggi niya ang pinakamabibigat na paratang, umamin siya sa ilang mas magagaan na kaso, kabilang ang mga kaugnay sa droga at trapiko.
Kasabay ng kaso, nahaharap sa batikos ang Crown Princess matapos mabunyag ang kanyang pakikipag-ugnayan sa yumaong sex offender na si Jeffrey Epstein sa loob ng tatlong taon.
Inamin ni Mette-Marit ang βpoor judgement,β at humingi ng paumanhin sa publiko.
β
βBagamaβt hindi opisyal na miyembro ng royal family si HΓΈiby, iginiit ng mga kritiko na mananatiling may pananagutang pampubliko ang Crown Princess bilang future queen ng Norway.
Sa isang pahayag, nagpaabot naman si Crown Prince Haakon ng pakikiramay sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










