𝗔𝗡𝗧𝗜- 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗖𝗥𝗨𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Bilang isa sa laganap na suliranin sa lalawigan ng Pangasinan noong 2023 ang Illegal Recruitment and Trafficking in Persons, napagkasunduang dalhin sa bawat barangay ang kampanya kontra dito.

Pagbabahagi ng Pangasinan Migration and Development Council, plano nilang bumuo ng computerized database management information system upang masubaybayan ang kalagayan ng mga Pangasinenseng OFW. Sa naturang information system, malalaman din ang aktwal na bilang ng mga Pangasinenseng OFW at OF o Overseas Filipinos.

Ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagsang-ayon sa naturang konsepto upang hindi magsawalang bahala ang sakripisyo ng mga kababayang OFW at maibigay ng pamahalaan ang mga kaukulang job opportunities sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments