𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗔𝗡𝗡𝗨𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗣 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥𝗦

Muling iginiit ng ilang Sangguniang Panlungsod members ang pagtalakay sa 2024 annual budget ng Dagupan City sa nagdaang SP regular session.

Kasunod ito nang hindi nakumpletong presensya ng mga kinakailangang opisyal sa pagtalakay sana sa naturang budget at iba pang agenda nakasaad.

Paliwanag ng ilang opisyal mula sa Minority Block, kinakailangan nang pag-usapan at ipasa ang budget para sa kasalukuyang taon upang tuluyang maisakatuparan umano ang mga programa at proyekto na nakalaan para sa kapakanan ng mga Dagupeños.

Samantala, ilan lamang sa mga programa na nasasakupan ng annual budget ay ang Scholarship Program, Flood Mitigation Projects, School Buildings, Social Services at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments