Apat na delinquent micro and small enterprises ang inaasahang magbabayad ng abot P375, 000 sa Social Security System Branch sa Urdaneta City matapos ideklarang non-registrant sa pagsasagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign.
Isinasagawa ang RACE campaign bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day at sakop nito ang mga employer na mas mababa sa 100 ang empleyado. Ang kampanyang ito ng Social Security System ay laan para sa mga manggagawa.
Ayon kay Christopher Servas ang Chief ng SSS-Urdaneta City, nabigyan ng abiso ang mga delinquent employers matapos matukoy na non-registrant sa naturang kampanya.
Dagdag niya, nagbibigay sila konsiderasyon at maaari nilang i-settle ang delinquencies sapagkat ang RACE Campaign ay benepisyo ng mga empleyado.
Bukod sa RACE campaign, mayroon pang ibang programa na maaaring mapakinabangan ng mga employer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨