𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗖 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔

Cauayan City – Nagsimula ng magsidatingan sa FLDY Coliseum, Cauayan City, Isabela ang mga indibidwal na nais makakuha ng serbisyong hatid ng Professional Regulation Commission Region 2 Mobile Service.

Ngayong araw ika-30 ng Hulyo, mismong ang ahensya na ng PRC Region 2 ang nagtungo sa lungsod ng Cauayan upang mas mailapit pa ang kanilang serbisyo sa mga indibidwal na nangangailangan nito.

Iba’t-ibang serbisyo ang hatid ng PRC kabilang na ang aplikasyon para sa board examination, Initial Registration, Renewal at Duplication ng Professional Identification Card, Certification at Authentication, Stateboard Verification, Petition for Change of Status at Correction of Data o Entries.


Samantala, inaasahan naman ang pagdagsa ng mga aplikante ngayong araw ngunit pinapayuhan ang mga ito na bago magtungo sa lugar ay magregister muna sa kanilang website at piliin ang FLDY Coliseum bilang lokasyon.

Facebook Comments