𝟯𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗖𝗔𝗥𝗗𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗗𝗢𝗦

CAUAYAN CITY – Inanunsyo ng Land Transportation Office Region 02 na nakatakda ng ipamahagi sa lambak ng Cagayan ang nasa 300,000 piraso ng license cards.

Sinabi sa isang pahayag ni Regional Director Manuel C. Baricua, bagaman nagkakaroon ng ilang problema ay tiniyak naman nito na nakahanda na ang mga lisensyang ibinaba mula sa central office ng nabanggit na ahensya.

Dagdag pa rito, sinabi din ni Baricua na pinagsisikapan ng LTO Region 2 na tugunan ang lahat ng concern na kanilang natatanggap mula sa mga kliyente.


Samantala, inaabisuhan naman ang lahat na manatiling umantabay sa susunod na ilalabas na anunsyo ng ahensya kaugnay sa iskedyul ng release.

Facebook Comments