𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘𝗙𝗨𝗟, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

‘Generally Peaceful’, ito ang inihayag ng Pangasinan Provincial Police Office (PPO) sa naging selebrasyon ng kapaskuhan sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay PNP Pangasinan Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, naging matiwasay at payapa ang naging selebrasyon ng araw ng pasko sa lalawigan.

Aniya, ito ay dahil sa naging matagumpay na pagpaplano at paghahanda maging ng pag-implementa ng direktiba mula sa higher office ng PNP Pangasinan sa pangunguna ni Police Colonel Jeff Fanged.

Dagdag pa nito na dahil sa maagang pagdedeploy ng kapulisan sa lalawigan partikular na sa mga terminal, pasyalan maging sa mga matataong lugar kung saan nasa 4,000 na personnel ang naitalaga.

Aniya pa, magpapatuloy ang pagbabantay ng hanay ng kapulisan hanggang sa pagsalubong sa bagong taon upang masiguro ang ligtas at mapayapang pagsiselebra ng okasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments