
Cauayan City – Nadiskubre at nakumpiska ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang isang imbakan ng armas at pampasabog sa isang operasyon sa bulubunduking lugar ng Sta. Teresita, Cagayan nitong ika-7 ng Abril.
โPinangunahan ang operasyon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company katuwang ang 112th Special Action Company, Explosive and Canine Unit, at ang Philippine Army sa pamamagitan ng 17th Infantry Battalion.
โAyon sa ulat ng kapulisan, nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa isang impormante hinggil sa presensya ng nakatagong armas sa nasabing lugar.
โNarekober sa lugar ang ibaโt ibang klase ng bala, granada, blasting materials, IED components, at ilang uri ng baril kabilang ang shotgun at improvised firearms.
โDinala ang mga nasamsam na kagamitan sa Sta. Teresita Police Station matapos ang imbentaryo para sa tamang disposisyon.
โAyon sa pamunuan ng Police Regional Office 2, malaking hakbang ang operasyon sa pagpigil sa posibleng banta at pagpapatibay ng kapayapaan sa rehiyon.










