Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan pa ang assistant Regional Director ng Commission on Elections o Comelec Region 1 matapos itong masangkot sa aksidente sa bayan ng Agoo lalawigan ng La Union.
Ang biktima ay nakilalang si Atty Reddy Balarbar Assistant Regional Director ng Comelec Pangasinan.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng national highway ng nasabing bayan nang mapunta sa linya ng kasalubong na bus ang sinasakyang SUv ng biktima base na din sa kuha ng CCTV.
Dahil dito ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang opisyal na agad naman naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan habang bahagya naman nasugatan ang driver at konduktor ng Bus na kabanggaan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments