𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟯𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗥𝗔𝗗𝗢𝗥

Arestado sa sanib pwersang operasyon na isinagawa ng hanay ng kapulisan at PDEA Region 1 ang high value individual Regional Priority Target na si Erwin Santos alyas “Bong”, 40 anyos residente ng Brgy. Magsaysay, Labrador.

Nakumpiska sa pagmamay-ari ng suspek ang tatlong pirasong medium heat-sealed plastic at isang small heat-sealed sachet ng shabu, isang piraso ng nakarolyong aluminum foil, iba-ibang aluminok foil strips, improvised bamboo sealer, gunting, mga lighter at pink lunch box.

Tinatayang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu ang narekober sa suspek at may street drug price na P136, 000.

Nasa kustodiya ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 1 ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments