
β
βCauayan City – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuan sa gilid ng Macaniao Creek sa Barangay Ambatali, Ramon, Isabela ngayong araw ika-23 ng Pebrero.
β
βAyon sa inisyal na ulat ng PNP Ramon, isang concerned citizen ang nakakita ng kahina-hinalang palanggana na nakapatong sa sementadong bahagi sa tabi ng sapa.
β
βNang kanyang suriin, natagpuan ang isang buhay na sanggol na nakabalot sa itim na pillow case.
β
βKinumpirma rin ng pulisya na nakakabit pa pusod ng sanggol nang ito ay matagpuan.
β
βAgad na ini-report ang insidente sa pamunuan ng barangay at kaagad namang rumesponde ang mga pulis upang tiyakin ang kaligtasan ng sanggol.
β
βDinala ito sa Ramon RHU Birthing Center para mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
β
βPatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga taong sangkot sa pag-abandona sa sanggol.
β
βNananawagan din ang pulisya sa publiko na makipag-ugnayan kung may anumang impormasyong makatutulong sa kaso.
β
βSource: RAMON PS
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










