Tuesday, October 27, 2026

β€Žπ—¦π—ž π—–π—›π—”π—œπ—₯𝗠𝗔𝗑 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗖π—₯𝗨𝗭, π—Ÿπ—”π—šπ—¨π—‘π—” π—‘π—”π—šπ—₯π—˜π—¦π—œπ—šπ—‘ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—”π—‘π—š π—œπ—¦π—¬π—¨ 𝗦𝗔 π—–π—’π—‘π—©π—˜π—‘π—œπ—˜π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗧𝗒π—₯π—˜

β€ŽCauayan City – Pormal nang nagbitiw si Mark Adrian P. Napiza sa kanyang tungkulin bilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ng Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna noong Pebrero 20, 2026.
β€Ž
β€ŽAng kanyang pagbibitiw ay kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan niya na mabilis na naging usap-usapan online.
β€Ž
β€ŽNag-ugat ang isyu mula sa kumalat na video noong Pebrero 15 kung saan makikitang hinahawakan ni Napiza ang mga siopao at hotdog na paninda sa isang convenience store. Dahil dito, nakatanggap siya ng matinding batikos mula sa netizens at iba’t ibang sektor.
β€Ž
β€ŽSa kanyang liham ng pagbibitiw, inihayag ni Napiza ang pasasalamat sa mga nakasama niya sa serbisyo publiko sa loob ng halos walong taon. Aniya, dala niya ang mga aral at karanasan bilang lingkod-bayan at patuloy pa rin siyang susuporta sa mga programa ng SK sa kanilang bayan.
β€Ž
β€ŽBago ang kanyang pag-alis sa puwesto, naghain na ng administrative complaint laban sa kanya si Sta. Cruz Mayor Benjo Agarao dahil sa umano’y paglabag na may kaugnayan sa asal ng isang opisyal ng gobyerno.
β€Ž
β€ŽHanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag kung ipagpapatuloy pa ang reklamo matapos ang kanyang pagbibitiw.

Photo: Mark Anthony Molina

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments