
Cauayan City – Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Baguio City, katuwang ang iba’t ibang ahensya, para sa nalalapit na ika-30 selebrasyon ng Panagbenga Festival na inilunsad noong Lunes, Enero 12, 2026.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, may mga pagbabagong isinagawa sa security and safety plan para sa darating na Panagbenga Festival.
Kabilang dito ang pagde-deploy ng mga drone na konektado sa command center ng lungsod, pagdaragdag ng mga personnel bunsod ng magagandang review mula sa mga turistang nanood ng Grand Float Parade noong nakaraang taon, at ang pagpapatupad ng three-layered security and safety scheme sa buong lungsod.
Inaasahan din ang presensya ng mga kabataang boluntaryo gaya ng Girl Scouts at Boy Scouts na tutulong sa naturang parada.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Baguio LGU sa Baguio City Police Office at Traffic Enforcement Unit para sa kaligtasan ng publiko at sa maayos na daloy ng trapiko sa mga darating na parada.
Samantala, inilabas na ng lungsod ang Calendar of Activities ng Panagbenga Festival at inaasahan ang pagdagsa ng mga turista upang tunghayan ang naturang pista.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan








