Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Bari, Mangaldan, alas siyete kagabi, ika-24 ng Enero.
Ayon Kay Mangaldan Councilor Aldrin Soriano at sa inilibas na inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan, ang naging sanhi diumano ng naturang sunog ay ang naiwang nilulutong sinaing ng caretaker ng bahay.
ayon pa sa BFP, gawa ang nasabing kubo sa mga light materials kaya mabilis na kumalat ang apoy. Dagdag pa, nadamay ang kalapit nitong bahay na pagmamay-ari ng isang Mrs. Biason, matapos gumapang ang sunog sa Air Conditioner nito.
Samantala, idineklara namang fire out ang sunog, pasado alas-syete ng gabi. Sa kasalukuyan, inaalam pa ng awtoridad ang danyos ng sunog.
Ang naturang insidente, ay ang ika-apat na insidente na ng sunog sa bayan ng mangaldan, ngayong taon, ayon sa BFP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨