Aabot sa 40 oyster farmers sa Alaminos ang matagumpay na nakinabang sa modified bamboo raft technology na mula sa Department of Agriculture-National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI) noong nakaraang taon.
Sa pilot testing nito noong Hunyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon nakapagtala ng 3,219 kilos na naharvest na talaba gamit ang 25 bamboo raft.
Ayon kay Alaminos City aquaculturist Michaela Tamayo, environmental wise ang naturang teknolohiya dahil mas ligtas ang mga oyster farmers at madali ang produksyon nito.
Ang modified bamboo raft technology ay gumagamit ng floaters, kawayan at tali upang linangin ang talaba. Sa paraang ito, ayon kay Tamayo, nababawasan ang mortality rate sa mga oyster growers at nakakapagproduce ng better quality meat ng talaba.
Ang mga big size na talaba ay naibebenta sa presyong ₱1,200 per kilo habang ang maliliit naman ay nagkakahalaga ng ₱ 400 per kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨