𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Patuloy ang paghahanap sa katawan ng higanteng sawa na kamakailan ay nag trending matapos ipost sa social media matapos matagpuan ang pinagbalatan nito.

Iba’t ibang mga Snake hunters mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nandito ngayon sa bayan ng Calasiao lalawigan ng Pangasinan upang pagtulungang hanapin ang nasabing sawa.

Sa tantiya kasi ng mga eksperto ay umaabot ng mahigit dalawang talampakan ang nasabing sawa kung saan ay nauna nang napaulat na ilang mga alagang hayop lalo na ang mga aso doon ang nawawala.

Inabot ng madaling araw kanina ang paghahanap at bigo ang mga ito kung saan ay itinuloy kahapon ng umaga ang nasabing paghahanap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments