𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗢𝗢𝗗

Dinagsa ng mga manonood ang taunang Bangusan Street Party at Kalutan Ed Baley sa Lungsod ng Dagupan, kahapon.

Libo-libong mga manunuod ang nakipagsisikan sa bahagi ng De Venecia Rd. para lamang mapanuod at masilayan ang mga hinahangaang local artists.

Buong magdamag naman na nagbantay at naglibot ang hanay ng kapulisan para sa pagsiguro ng kaligtasan at kapayapaan habang isinasagawa ang mga performances.

Nakaantabay rin ang medical team sa mga designated na lugar.

Samantala, naranasan rin ang bigat ng daloy ng trapiko kahapon dahil sa dami ng mga manonood na pumunta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments