𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Tinututukan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang kalagayan ng produktong bigas sa merkado at mga posibleng maging epekto ng umiiral na El Niño Phenomenon partikular sa sektor ng agrikultura.

Bagamat mataas ngayon ang suplay ng bigas dahil sa nag-umpisa nang harvest season, dahilan ng nararanasang pagbaba sa presyo nito, maaari naman umano na matuldukan ito pagkatapos ng second quarter ng taon at posibleng magtagal hanggang sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa pamunuan ng DA, isang salik sa pagtaas muli ng presyo ng bigas ay ang international market price ng produkto dulot ng epekto ng El Niño.

Alinsunod dito ang pag-atas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang law enforcement agencies upang mamonitor at matututukan ang magiging kalagayan ng presyo nito sa merkado.

Sa lalawigan ng Pangasinan, nararanasan na ngayon ng ilang consumer ang pagbaba nang hanggang dalawang piso sa kada kilo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments