Pinangangambahan ngayon ng ilang mga nag-aalaga ng bangus sa lungsod ng Dagupan ang banta ng fish kill dahil sa mainit na panahon.
Ayon sa ilang mga bangus growers, pangamba nila ang pagkalugi kaya’t nagsasagawa na sila ng forced harvest sa kanilang mga palaisdaan, ilang linggo bago ang nakatakdang paghaharvest sa mga ito.
Base sa karanasan ng mga bangus growers, kadalasang nangyayari ang fish kill tuwing tag-init na nagreresulta sa bahagyang pagkalugi ng kanilang negosyo.
Paglilinaw naman ng mga eksperto, ang fish kill ay nangyayari kapag mainit ang araw o di nama’y mababaw ang tubig sa mga palaisdaan kaya’t hindi kayang tiisin ng mga isda.
Samantala, mahigpit ang pagbabantay ngayon ng mga fish market inspectors sa pagpasok ng mga bangus sa Magsaysay Fish market.
Sa ngayon, dahil sa maraming supply bahagyang bumaba ang presyo nito ng 20-30 pesos kada kilo, o 130-150 pesos and kada kilo nito ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨