𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Patuloy ngayon ang paalala ng health authorities sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa pagbabawas ng outdoor activities lalo sa pagitan ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Ito ay matapos makapagtala ng pinakamataas na heat index ang lalawigan ng Pangasinan partikular sa Dagupan City sa ikaapat na sunod sunod na araw.

Ang ilang mga lgus ang nagpatupad muli ng suspension ng face to face classes ngayong biyernes habang adjusted time naman ang pasok ng iba.

Kahapon ay nasa 44 degrees celsius ang naitalang pinakamainit na heat index sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments