𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗠𝗢𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗣𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗠𝗘𝗦𝗧𝗜𝗖 𝗔𝗧 𝗖𝗬𝗕𝗘𝗥 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗘𝗡𝗖𝗘-𝗚𝗔𝗕𝗥𝗜𝗘𝗟𝗔 𝗪𝗢𝗠𝗘𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧

Dapat pa umanong pagtibayin ang batas na pumuprotekta sa karapatan ng mga kababaihan dahil sa mataas pa ring kaso ng domestic at cyber violence ayon sa Gabriela Women Partylist.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Gabriela Women’s Partylist Representative Arlene Brosas, mataas pa rin hanggang ngayon ang bilang ng kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan lalo noong kasagsagan ng pandemya.

Naisabatas man umano ang Republic act 9262 o The Anti-Violence against Women and children ay hindi pa rin ito sapat para maprotektahan ang mga kababaihan.

Sa paglilibot ng naturang partylist sa ilang lugar para sa isang sampling, lumalabas na marami pa ring umanong hindi nagpapatupad at hindi alam ang oryentasyon ukol sa batas na pumoprotekta sa karapatan ng mga kababaihan.

Ayon din sa kanilang datos, tumaas rin sa 200% ang Cyberviolence na siyang kailangan habulin at gawan ng paraan para tuluyan na mapigilan ang pang-aabuso kahit pa sa online.

Sa ngayon, hanggang hindi umano mapagtitibay pa ang pag implementa sa naturang batas kahit sa maliliit na komunidad lamang ay hindi umano mababawasan ang bilang ng mga biktima ng domestic at cyber violence sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments