Inaasahan ang maaaring bawas singil sa presyo sa produktong LPG kung hindi umano ngayong Marso ay mula sa buwan ng Abril at magtutuloy-tuloy hanggang buwan ng Marso ayon kay Oil Industry Management Bureau Energy Director Rino Abad.
Posible at inaasahan na sa buwan ng Abril mag-uumpisa ang rollback sa LPG at magpatuloy hanggang sa mga susunod na buwan dahil sa patapos na ang winter season sa mga bansa sa northern hemisphere at patungo na sa spring at summer season.
Ibig sabihin, ang pagbaba ng demand sa LPG sa global market ay nagreresulta sa pagbaba rin ng presyo nito sa bansa.
Ang mga maliliit na karinderya naman at ilang residente sa lungsod ng Dagupan, umaasang bababa na nga ang presyo ng naturang produkto bilang ito ang isa sa kanilang ginagamit sa kanilang maliit na negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨