𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pagpatay sa isang kwarenta y tres anyos na ginang sa loob mismo ng kanyang bahay sa San Carlos City.

Ang biktima ay kinilalang si Liezel Martin residente ng Brgy. Balite sa nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon naglilinis sa loob ng kanilang bahay ang biktima ng pasukin ng mga salarin at pagbabarilin gamit ang isang caliber 9mm pistol na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa posibleng motibo sa pagpatay maging sa pagkakakilanlan ng mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments