Sa inilabas na climate outlook ng PAGASA mula Abril hanggang Agosto ngayong taon, maaaring makaranas way below near normal to below normal rainfall condition ang Region 1.
Mula Abril hanggang Setyembre ang forecasted rainfall sa Ilocos Region ay nasa 31.2 mm hanggang 106.1 mm at kabilang sa kategoryang way below to normal rainfall condition. Sa buwan naman ng Abril hanggang Agosto mananaig ang below normal rainfall condition sa tala na 43.9 mm hanggang 79.8 mm .
Kaugnay nito, sa Pangasinan maaaring makapagtala ng isang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility. Ilan sa mga maaaring makaapekto sa weather system ng bansa ang localized thunderstorm, frontal system, southwest monsoon, intertropical convergence zone (ITCZ), easterlies, ridge of high-pressure areas, low pressure areas at bagyo.
Nagpaalala naman ang PDRRMO na magdala ng payong anumang panangga na magagamit sa ulan o init ng araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨