𝗠𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Naranasan simula nitong umaga ng Lunes ang mabagal na usad trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa Dagupan City matapos ang Semana Santa.

Ang ilan sa mga motorista, galing sa long weekend vacation at saktong dadaan sa Dagupan City at ang iba naman, inaasahan ang mabagal na usad trapiko dahil Lunes kung saan balik muli sa trabaho at klase ang mga estudyante.

Dumagdag pa sa mabagal na usad ng trapiko ang matinding init na naranasan rin lalo sa mga oras ng ala una hanggang alas singko ng hapon.

Samantala, naranasan naman ang mabagal na usad ng trapiko sa ilang kalsada tulad sa Rizal at Downtown Area. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments