𝗕𝗘𝗡𝗖𝗛𝗠𝗔𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟𝗘𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Matagumpay na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara at Lungsod ng Angeles sa Pampanga ang benchmarking activity kahapon ika-5 ng Pebrero.

Layunin ng benchmarking activity ng dalawang lokalidad na ito ay nais ng LGU Sta. Barbara na gayahin at tularan ang kanais-nais at pinakamahusay na kasanayan at programa ng LGU Angeles City ukol sa kanilang paghahanda pagdating sa kalamidad o kanilang disaster resilient capacity.

Kabilang na bumisita sa Lungsod ang alkalde ng bayan ng Sta. Barbara na si Mayor Carlito Zaplan maging ng kinatawan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kung saan kanilang personal na nakadaupang palad ang mga kawani ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor Carmelo Lazatin Jr. maging ng kawani na CDRRMO ng lungsod para sa layuning benchmarking activity para sa mas handang pagsugpo at pagharap ng LGU sa anumang banta ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments