Thursday, January 22, 2026

𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang bente anyos na estudyante sa naganap na aksidente sa bayan ng Lingayen.

Nakilala ang biktima na si Andrew Aquino residente ng Domalandan East sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas onse ng gabi sa Brgy Baay ng tinangka umanong mag overtake ng biktima sa kasunod na tricycle na dahilan upang napunta sa linya ng kasalubong na SUV ang minamanehong motor nito na dahilan ng kanilang head on collision.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit namatay Habang ginagamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments