𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦

Bukod sa naibentang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP34,000, nakumpiska rin sa pagmamay-ari ng suspek na si Julius Reyes, residente ng Brgy. Sabangan, Alaminos City ang 30 grams ng susoected shabu na may drug price na PHP 204, 000.

Kabilang sa mga narekober pa rito ay ang boodle money, weighing scale, cellphone, bag, wallet at motor.

Naaresto ang suspek sa pinagsamang anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng Alaminos City Police Station at PDEA Regional Office 1 sa may Brgy. Bued, sa nasabing lungsod.

Nasa kustodiya ng Alaminos Police Station ang suspek maging ang mga ebidensyang laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments