𝗕𝗙𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗠𝗔𝗚𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗥𝗧𝗬

Matapos ang naganap na sunog sa PNR Site, Barangay Mayombo sa Dagupan City, noong salubong sa taong 2024 ay nagpaalala ang Bureau of Fire Protection Dagupan City sa publiko.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan OIC Intelligence and Investigation Office SFO1 Ricky Geronimo, upang maiwasan ang pagkasira ng mga aria-arian gaya na lamang ng mga parte ng bahay ay nagpaalala ito sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok sa mga tabi ng bahay.

Suhestyon nito na hangga’t maaari ay magpaputok na lamang sa mga open area o sa mga may maluluwag na espasyo na lugar upang hindi delikado kapag sumabog na ang mga paputok.

Sinabi pa nito na hangga’t may nagpapaputok ay hindi nawawala ang maaaring disgrasya na abutin ng sinuman.

Samantala, matatandaang inilagay ang lahat ng BFP Stations ng BFP national headquarters high alert bilang paghahanda sa Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon at walang sinuman sa mga tauhan ang walang pasok sa mga peak season na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments