𝗕𝗙𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗖𝗢𝗗𝗘 𝗥𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Naka-code red na ang hanay ng Bureau of Fire Protection o BFP Pangasinan sa pagsalubong sa bagong Taon.

Sa naging panayam ng ifm dagupan Kay Fire Senior Inspection Ciara Capule, Sinabi nito na naka red alert lahat ng mga hanay ng Bfp Sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ibig Sabihin nito aniya ay naka duty lahat o full force lahat ng hanay ng BFP sa buong lalawigan ng Pangasinan.

24/7 din aniya na may mga naka antabay sa mga firecracker zones na itinalaga ng mga Lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay wala pa aniya naitala na untoward incident sa Pangasinan bagamat hinihintay din nila ang imbestigasyon sa naging pagsabog sa Dagupan City sa nakaimbak na paputok na ikinamatay ng isa katao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments