Cauayan City – Nagkaroon ng 3.5% na pagbaba sa bilang ng unemployed na mga Pilipinonsa buong bansa batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang nabanggit na datos ay nangangahulugang mayroong 1.8 milyon na bilang ng edad 15 pataas ang walang trabaho.
Dagdag pa, sa pinakahuling datos noong buwan ng Pebrero ngayong taon, nasa 96.5 percent ang employment rate sa bansa mula sa 95.5 percent noong Enero na may katumbas na 48.95 milyon na mas kaysa sa mga datos noong taong 2023.
Facebook Comments