𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗖𝗧𝗩 𝗖𝗔𝗠𝗘𝗥𝗔𝗦, 𝗜𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗡𝗧𝗘 𝟮

CAUAYAN CITY- Isang concerned citizen ang nagbigay ng sampung (10) piraso ng CCTV cameras sa Barangay Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Gregorio Cachuela, nagngangalang Engr. Nelson Donato Jr. ang nagbigay ng karagdagang CCTV cameras sa kanila kung saan nais umano nito na makatulong sa kanilang barangay dahil sa sunod-sunod na naitatalang insidente ng nakawan at aksidente sa lugar.

Aniya, napakalaking tulong ito sa kanilang nasasakupan dahil sa paraang ito ay maaaring maiwasan ang mga krimen na naitatala lugar.


Ikakabit naman ang mga ito sa susunod na linggo at naipabatid na rin sa mga residente ang magandang balita na labis namana na ikinatuwa ng mga ito.

Samantala, bukod sa CCTV cameras ay ikakabit rin sa lugar ang karagdagang street lights sa mga madilim na bahagi ng Brgy. Minante 2.

Facebook Comments