𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗

Patay sa pagkalunod ang isang 17-anyos na binatilyo sa bayan ng Mangaldan.

Kinilala ang biktima na residente ng Barangay Salaan sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, naliligo diumano ang biktima sa bahagi ng Angalacan River kasama ang kanyang mga kaibigan, nang bigla na lamang itong nahirapang makabalik sa pampang, na siyang naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Ayon sa kanyang mga kasamahan, sinubukan umano nilang sagipin ang biktima, ngunit nabigo ang mga ito.

Samantala, inaksyunan naman agad ng mga diver ng Angalacan River Task Force, katuwang ang hanay ng PNP Mangaldan ang nasabing pangyayari, upang magsagawa ng search and rescue operations.

Gayunpaman, idineklarang dead on arrival ang nasabing biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments