𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Arestado ang 55 anyos na tricycle driver kinilalang si Marlon Meneses sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad sa Brgy.Banzal Sta.Barbara.

Ang suspek ay residente ng Brgy. Lasip Chico, Dagupan City at itinuturing na Street Level Individual. Huli ang suspek sa aktong pagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na poseur buyer.

Nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments