𝗕𝗜𝗡𝗨𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗔𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡

Sa nalalapit na bagong taong 2024, may bagong kaaabangan rin ang mga idol natin dahil sa seaplanes na magsisilbing transportation hindi lang iyan, ito rin ay magiging new experience ng mga kababayan natin hindi lang sa lalawigan ng Pangasinan kundi pati rin sa mga turistang manggagaling pa sa Manila.
Ito ay bilang bahagi ng proyekto ng Tourism ng Pangasinan. Marami naman ang natuwa at naexcite sa nasabing aktibidad.
Ayon sa provincial tourism ng lalawigan, ang seaplane na ito ay may kakayahang magsakay ng sampung pasahero. Pag nagkataon, ang ruta ay mula sa Manila Bay papuntang Lingayen, Hundred Islands at iba pang coastal towns dito sa Pangasinan. Bukod sa malaki ang maitutulong nito sa turismo, masusuri din kung gaano kahusay sa innovation of technology ang lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments