Thursday, February 19, 2026

𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗧𝗨𝗔𝗡

‎Cauayan City – Magkakaroon ng Blood Letting Drive sa Cabatuan Municipal Social Hall bukas, Pebrero 20, 2026, simula alas-8:00 ng umaga na layong makalikom ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

‎Inaanyayahan ng Rural Health Unit (RHU) Cabatuan ang lahat ng kwalipikadong residente at mga kalapit na lugar na makiisa sa nasabing programa. Bukas ito sa sinumang nagnanais magbahagi ng dugo bilang pagtulong sa kapwa.

‎Ayon sa mga RHU Cabatuan, mahalaga ang bawat donasyon upang makatulong sa mga biktima ng aksidente, pasyenteng ooperahan, at iba pang may malubhang karamdaman.

‎Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maipapamalas na ang bawat isa ay maaaring maging bayani sa simpleng paraan.

‎Source: RHU Cabatuan

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments