Wednesday, August 5, 2026

β€Žπ—–π—’π—‘π—§π—₯𝗔𝗖𝗧𝗒π—₯, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’π—‘π—š π—˜π—¦π—§π—”π—™π—” 𝗦𝗔 π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑

β€ŽCauayan City – Nadakip ng mga tauhan ng Bamboo Cops ang isang 31-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong estafa sa isinagawang operasyon ngayong araw Pebrero 19, 2026 sa Barangay Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.
β€Ž
β€ŽPinangunahan ng kapulisan ng Cauayan ang operasyon katuwang ang iba pang unit mula sa Isabela Police Provincial Office.
β€Ž
β€ŽKinilala ang suspek sa alyas na “Estong”, isang contractor at residente rin sa nabanggit na barangay.
β€Ž
β€ŽNaaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 13, 2026 ng Municipal Trial Court in Cities sa Cauayan City para sa kasong estafa kung saan may itinakdang piyansa na nagkakahalaga ng β‚±80,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
β€Ž
β€ŽSa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nakatakdang iharap sa hukuman na naglabas ng warrant para sa kaukulang proseso.
β€Ž
β€ŽSource: PNP Cauayan

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments