
โ
โCauayan City – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ang pormal na pagbubukas ng kanilang inayos na bodega para sa mga nakumpiskang uncertified at non-compliant na produkto sa DTI Regional Office 2 Compound.
โ
โAng naturang pasilidad, na pinondohan ng Fair Trade and Enforcement Bureau (FTEB), ay magsisilbing ligtas na imbakan ng mga produktong hindi sumusunod sa Philippine National Standards (PNS) na nasamsam sa mga operasyon ng DTI sa rehiyon.
โ
โLayunin nitong mapalakas ang proteksyon sa mamimili at maiwasan ang pagbebenta ng mga delikadong produkto sa merkado.
โ
โAyon sa pamunuan ng DTI R2, pansamantalang itatago sa bodega ang mga nasabat na produkto habang isinasagawa ang tamang proseso ng pagsira at disposisyon alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa kapaligiran.
โ
โSource: DTI REGION 2










